Dumaong ang tatlong barko ng Japan sa East Rivera Wharf sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) araw ng Linggo (June 30) para sa apat na araw ng goodwill visit.
Pinangunahan ang delegasyon ni Rear Admiral Hiroshi Egawa, commander ng JMSDF EF1 kasama ang limang SH-60K patrol helicopters at 850 officers and crews onboard.
Nanguna naman sa delegasyon ng Philippine Navy si Commodore AdeluisBordado, na nanguna sa seremonya para i-welcome ang mga bisita na sinundan ng press briefing at tour sa mga barko ng Japan.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Commo Bordado na ang goodwill visit ay magpapatatag sa relasyon ng Philippine at Japan Navies.
Sa panig naman niya, nagpasalamat si Rear Admiral Egawa, sa mainit na pagtanggap sa Japanese Navy.
Aniya, ang Pilipinas at Japan ay mahalagang magka-partner para sa pagpapanatili ng maritime order sa rehiyon.