10 patay sa pagbagsak ng isang private plane sa Dallas

Sampung katao ang nasawi makaraang bumagsak ang isang maliit na eroplano sa Dallas Airport.

Ayon sa Federal Aviation Administration, bumagsak sa isang unoccupied hangar ang twin-engine na Beechcraft BE350 King Air sa Addison Municipal Airport.

Kaka-take off lamang ng eroplano nang ito ay bumagsak at nasunog.

Inaalam pa kung ano ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon sa crash site ang mga tauhan ng FAA at National Transportation Safety Board.

Read more...