Yellow rainfall warning itinaas ng PAGASA sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa ilang bahagi ng Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan.

Alas 8:00 ng umaga ng Lunes, July 1 sinabi ng PAGASA na yellow warning ang umiiral sa sumusunod na mga lugar:

(METRO MANILA)
– Caloocan
– Malabon
– Navotas
– Valenzuela

(ZAMBALES)
– Cabangan
– San Felipe
– San Narciso
– San Antonio
– San Marcelino
– Castillejos
– Subic
– Olongapo

– Bulacan
– Bataan

Babala ng PAGASA sa mga residente ang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha lalo na sa mga flood-prone area.

Samantala, sa susunod na tatlong oras, makararanas naman ng light hanggang moderate na pag-ulan sa Batangas, Quezon at Laguna.

Ligth to moderate rains din ang nakaaapekto na sa Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Cavite at Rizal

Read more...