Ayon sa 5am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong egay sa 195 kilometers East Northeast ng Aparri, Cagayan o 205 kilometers East ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 40 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.
Nakataas ang public storm warning signal number 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay maghahatid pa rin ng pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Antique, Aklan, at western Iloilo.
Kalat-kalat na pag-ulan din ang aasahan sa nalalabi pang bahagi ng Luzon at Western Visayas.