Presyo ng mga produktong petrolyo tataas muli bukas, July 2

Sa ikatlong sunod na linggo ay mayroon na namang ipatutupad na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng Shell, madaragdagan ng P1.20 kada litro ang presyo ng kanilang gasolina, P0.95 sa bawat litro ng diesel at P1.00 sa kada litro ng kerosene o gaas.

Kaparehong dagdag-presyo rin ang ipatutupad ng Petro Gazz sa kanilang gasolina at diesel.

Epektibo ang oil price hike alas-6:00 ng umaga bukas, Martes, July 2.

Inaasahang mag-aanunyo na rin ng kanilang price hike ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.

Read more...