Palaboy na nangingikil sa mga motorista sa EDSA nahuli na

Courtesy of Bong Nebrija

Naaresto na ng pulisya ang lalaki sa viral video na nangharang, nangikil at nambato ng windshield ng sasakyan kahabaaan ng EDSA sa Mandaluyong.

Ito ay matapos ding ireklamo ang lalaki ng panggugulo naman sa mga motorista sa Plaza 66 sa Pasay City.

Ayon kay Pol. Cpl. Neil Rodrigo ng Villamor Police Community Precinct hindi naman pumalag ang palaboy na lalaki sa mga pulis nang tanungin ito.

Iginiit umano ng lalaki na nanghihingi lamang siya ng pera sa mga motorista.

Humingi ng tawad ang suspek sa mga nabiktima at nangakong hindi na niya uulitin pa ang masamang gawain.

Narekober mula sa lalaki ang isang tipak ng bato, kutsilyo at isang cardboard kung saan nakalagay na hindi siya masamang tao.

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong illegal possession of bladed weapon at alarm and scandal.

Read more...