Palasyo: AFP may security lapses sa naging pag-atake sa Sulu

May security lapses ang Armed Forces of the Philippines kung kaya’t nakapasok ang suicide bomber sa headquarters ng 1st battalion combat team sa Brgy Kajatian, Indanan, Sulu.

Ito ay kahit na umiiral pa ang martial law sa Mindanao region.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang pagkakapasok pa lamang ng suicide bomber ay indikasyon na nagkaroon ng pabaya sa hanay ng mga awtoridad.

Gayunman, sinabi ni Panelo na talagang mahirap na maharang ang mga suicide bomber.

Tiyak aniya na may leksyon na natutunan ang AFP sa naturang insidente.

Walo katao ang nasawi habang dalawampu’t dalawang iba pa ang nasugatan sa naturang suicide bombing.

Read more...