Andanar: Mas maraming legislative agenda ni Duterte maipapasa sa 18th Congress

Tiyak na mas maraming legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maipapasa ngayong 18th congress.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na ito ay dahil sa mas maraming kaalyadong kongresista at senador si Pangulong Duterte na uupo sa puwesto.

Kung marami na aniyang accomplishment si Pangulong Duterte sa nakalipas na tatlong taon, asahan nang mas marami pang magagawa ang pangulo dahil sa nabuong super majority.

Tututok pa rin aniya ang pangulo sa huling tatlong taon sa poverty alleviation, Build Build Build projects at ‘national task force to end local communist armed conflict’ para maibsan kung hindi man tuluyang matuldukan ang komunismo sa bansa.

Read more...