Palasyo: Pagsulong sa pederalismo sa ilalim ng Duterte admin buhay pa

Buhay pa ang isinusulong na pederalismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit na tanggap na mismo ni Pangulong Duterte na wala nang pag-asa ang pederalismo na maipasa sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na may pag-asa pa na maisulong ang pederlismo.

Samantala sa hiwalay na panayam ng Radyo INQUIRER kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, sinabi nito na naghihintay pa sila ng abiso mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) kung itutuloy pa o hindi na ang information campaign sa pederalismo.

Nakahanda aniya ang kanilang hanay na tumalima sa kung ano ang magiging utos ng DILG.

Read more...