Mayor Sotto: Metro Manila mayors dapat magkaisa vs traffic

Iginiit ni bagong Pasig City Mayor Vico Sotto na kailangan magkaisa ang mga alkalde ng Metro Manila para matugunan ang matagal nang problema sa trapiko.

Ayon kay Sotto , ang traffic at ang iba pang urban issues ay hindi mareresolba ng isang mayor lamang.

Tiwala anya siya na makikipagtulungan ang mga alkalde para matugunan ang mga problema ng Metro Manila.

Plano rin ni Sotto na i-suspinde ang ang kasalukuyang ipinapatupad na odd-even coding scheme sa ilang kalsada ng Pasig City.

Hindi naman daw aniya epektibo ito para masolusyonan ang traffic sa kanyang lungsod.

Sa ilalim ng nasabing scheme, ang mga four-wheeled vehicles na nagtatapos ang plaka sa even numbers ay hindi pwedeng bumiyahe tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

At ang mga sasakyan na nagtatapos ang plaka ng odd numbers ay banned tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Read more...