Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.
Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tiyak na ‘exciting’ o magiging kapana-panabik ang SONA ng pangulo na galing sa isang exciting na lider.
Tututukan aniya ng pangulo ang natitirang huling tatlong taon para repasuhin ang Foreign Investment Act, Retail Trade Act, Public Security Act, rehabilitation centers at usapin sa out-of-school youth.
Kahit na marami na aniyang nagawa ang pangulo, hindi pa rin ito magpapakakampante sa pagtatrabaho.
Kumpiyansa rin si Panelo na maraming legislative agenda ang maipapasa sa 18th Congress lalo’t madami sa mga uupong opisyal ay mga kaalyado ni Pangulong Duterte.