Magpinsan patay matapos pagbabarilin sa Cotabato City

Patay ang magpinsang lalaki sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Cotabato City.

Kinilala ang mga biktima na sina Arnold Chavez, 29- anyos at Christopher Chavez, 36- anyos kapwa residente ng lungsod.

Sa paunang ulat ng Cotabato City PNP, bandang ala-una ng madaling araw, naglalakad lamang ang mga biktima sa Doña Pilar Street, Barangay Poblacion nang bigla silang pagbabarilin ng mga suspek na nakamotorsiklo gamit ang .9mm pistol at Cal. .45.

Nagtamo ng tama ng bala ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naisugod naman sila agad sa malapit na pagamutan subalit idineklarang dead on the spot.

Patuloy naman ang gingawang imbestigasyon ng mga otoridad ng Cotabato para matukoy ang dahilan sa pamamaril sa mga biktima at pagkakakilalan ng mga suspek.

Read more...