Pacquiao umaming masusubukan ang kanyang lakas at galing kay Thurman

Manny Pacquiao, left, and Keith Thurman pose for a picture during a news conference on Tuesday, May 21, 2019, in New York. The two are scheduled to fight in a welterweight world championship boxing bout on Saturday, July 20, in Las Vegas. (AP Photo/Andres Kudacki)

Aminado si WBA welterweight champion Manny Pacquiao na masusubok ang kanyang galing at lakas sa laban niya kontra kay Keith Thurman.

Ayon sa Pinoy boxing champ, pareho silang champion at may mga knockout abilities.

Tiniyak naman ni Pacman na maganda ang naging takbo ng kanyang training kaya kampante siyang matatalo niya si Thurman.

Sabik na anya siya makaharap sa boxing ring ang 30-anyos na Amerikanong undefeated WBA super welterweight champion na sa July 21.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Kasabay nito, nagpasalamat naman ang fighting senator sa mga kababayan na patuloy na sumusuport sa kanaya.

Read more...