Sting, magbabalik sa Pilipinas sa Oktubre

Magkakaroon muli konsiyeto ang musical icon na si Sting sa Smart Araneta Coliseum sa darating na October 2.

Huling nagtanghal ang rock icon sa isang hotel sa bansa kasama si Chris Botti noong 2016.

Ang isang gabing konsiyertong ito ay parte ng “My Songs” tour ng 67 taong gulang na singer-songwriter.

Itatanghal ni Sting ang mga kantang “Englishman In New York,” “Fields Of Gold,” “Every Breath You Take,” “Roxanne,” “Message In A Bottle,” “Every Little Thing She Does is Magic,” “Shape of My Heart” at iba pa.

Si Sting ay isang 17-time Grammy Award winner at nakapagbili ng mahigit 100 million records sa buong mundo sa kaniyang buong karera.

Read more...