Brie Larson, ibinahagi ang award sa kaniyang stunt doubles

Binigyan ng pagkakataon ni Brie Larson ang kaniyang dalawang stunt doubles sa pelikulang Captain Marvel na makapagsalita sa publiko bilang pasasalamat.

Ayon kar Larson, kung wala ang sina Renae Moneymaker at Joanna Bennett ay hindi nila mabubuo ang nasabing pelikula at hindi makukuha ang “best fight” award sa ginanap na MTV Movie and TV awards sa California.

Ibinahagi rin niya ang nakuhang tropeyo sa aniyang mga “living embodiment of Captain Marvel.”

Sinabi naman ni Bennett na isang malaking karangalan na mapasama siya sa naturang pelikula at isa itong espesyal na karanasan para sa dalawa.

Ibinahagi naman ni Moneymaker na sabay silang lumaki ni Bennett at parehas nilang pangarap ang makapagtanghal para sa mga iconic women characters sa pelikula.

Read more...