Naibalik na ang mga ito matapos manatili sa Manila Port ng halos kalahating dekada.
Ayon sa lumabas na ulat, dumaong na ang M/V Bavaria may dala ng 69 containers ng basura sa Vancouver port.
Umalis ang nasabing cargo ship sa Pilipinas noong May 31 base sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na isauli na ang mga ito sa Canada.
Dadalhin umano ang mga naturang basura sa waste-to-energy na pasilidad ng naturang bansa.
Matatadaang dumating sa Pilipinas ang 103 containers na may bigat na 2,500 tonela ng basura noong 2014 at 2015 kung saan idineklara ito bilang “recyclable plastic scraps.”
Ang 34 naman sa mga nasabing containers ay maayos na naitapon ng Bureau of Customs (BOC).
Exceprt: