2 patay sa sagupaan sa isang buy bust operation sa Rizal

Napatay ang dalawang suspek ng mauwi sa sagupaan ang buy bust operation sa Barangay San Jose, sa bayan ng Rodriguez sa Rizal kaninang umaga.

Isa sa mga nasawi sa sagupaan ay kinilalang si Renato Dolorfina, alyas Kato, habang ang kasamahan naman nito ay hindi pa nakikilala ng awtoridad.

Ayon sa ulat ng pulisya, bigla na lamang bumunot ng baril ang dalawang suspek ng makatunog ang mga ito na mga pulis ang kanilang ka-transaksyon sa Pines Street sa Metro Manila Hills Subdivision.

Ngunit habang nagaganap ang engkwentro, kinuha umano ni Dolorfino ang kanyang anak upang gawing human shield.Samantala, nagtamo naman ng tama ng bala sa leeg ang pulis na si Senior Master Sergeant Conrado Cabigao na agad namang isinugod sa ospital kasama ang anak ng suspek.

 

Read more...