Grade 7 student, sugatan nang mahulog sa fire exit sa Kidapawan City National High School

Isang Grade 7 student mula sa Kidapawan City National High School ang malubha ang kalagayan nang mahulog mula sa ikatlong palapag ng paaralan.

Ayon kay School Division Supt Rommel Flores, aksidenteng nadulas at nahulog mula sa fire exit ng gusali ang babaeng estudyante.

Ang nasabing biktima ay nagtamo ng galos at bali sa kanyang katawan na agad namang isinugod sa pagamutan.

Sa ngayon ay patuloy pa rin pina-imbestigahan ni School Division Supt Flores kung mayroon bang kapabayaan ang mga guro sa nangyaring insidente.

 

Read more...