Tinutulan ni Senator Cynthia Villar ang panukalang joint investigation ng Pilipinas at China ukol sa nangyaring Recto Bank incident.
Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Villar na kasalukuyang chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food na kung siya raw ang tatanungin pagkakaroon ng sariling imbestigasyon ang dapat na gawin ng Pilipinas patungkol sa nangyaring insidente lalo na at marami nang bersyon ng kwento ang naglabasan
Aniya, ay hindi kinakailangan ng Joint investigation sa nasabing insidente at sa halip ay dapat na tulungan na lamang ang mga naapektuhan mga mangingisda at magsampa ng kaso laban sa China kung mapatunayang sila nga ang may sala.
MOST READ
LATEST STORIES