Naaprubahan na ng World Bank ang $300-M loan ng Pilipinas bilang pandagdag pondo sa ‘Pantawid Pamilyang Pilipino Program’ o ‘4Ps’.
Ang nasabing loan ay gagamitin sa loob ng dalawang taon para makatulong sa pagpapaunlad sa mahihirap na pamilya sa ating bansa.
Sa ngayon ay mayroong taunang budget ang 4Ps na nagkakahalagang $1.7 billion.
Samantala, ang karagdagang pondo naman na magmumula sa World Bank ay sasagutin ang siyam na porsyento sa pondong nakalaan hanggang June 2022.
Sa ngayon ay nakikinabang na sa ‘Pantawid Pamilyang Pilipino Program’ ang 4.2 milyong pamilya kabilang na ang 8.7 milyon na mga kabataan.
MOST READ
LATEST STORIES