Inihayag ni US President Donald Trump na naging mabunga ang kanilang one-on-one meeting ni Chinese President Xi Jinping.
Naganap ang meeting sa sideline ng Group 20 Summit na ginanap sa Japan.
Nauna dito ay naging tensyonado ang magkabilang panig bago ang pulong dahil sa gusot sa pagitan ng US at China na may kaugnayan sa trade relations ng dalawang bansa.
Dahil sa nasabing tensyon ay posibleng maapektuhan hindi lamang ang ekonomiya ng China at US kundi maging ang buong mundo.
Sinabi ni Trump na umaasa siya na dahil sa nasabing pulong ay tuloy-tuloy na ang maaayos na ugnayan ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Trump, “It would be historic if we could do a fair trade deal. We’re totally open to it and I know you’re totally open to it. I think we can go on to do something that would be truly be monumental and great for both countries and that’s what I look forward to doing.”
Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ni Xi na mas gusto nila ang maayos na relasyon sa US imbes na makipag-away dito.