Manny Pacquiao di pabor na ituloy ng anak ang career sa boxing

Inquirer photo

Inamin ni Pambansang Kamao, Manny Paqcuiao, na hinihimok niya ang kanyang anak na si Jimuel na huwag nang sumabak sa larangan ng pagbo-boxing.

Ito ay dahil sa ayaw niya umanong maranasan ng kanyang anak ang lahat ng hirap at pagsubok na kanyang kinailangang pagdaanan sa loob ng ilang taong pakikipagsapalaran sa nasabing sport.

Sinabi din ng people’s champ na talagang kinakailangan ng mahigpit na pagsasanay, disiplina at matinding paghihirap upang maging matagumpay sa larangang ito.

Ngunit dahil nga sa desidido ang binata sa pagtahak sa larangan ng boxing ay wala nang nagawa si Pacman kundi ang hayaan na lang itong subukan ang nasabing sport.

Matatandaang kailan lang ay nagwagi si Jimuel sa isang rematch fight noong sabado.

Samantala, abala ngayon ang pambansang kamao sa kanyang training kaugnay sa nalalapit niyang laban sa American boxer na si Keith Thurman.

Read more...