Maynilad pinagmumulta dahil sa sablay na water supply

Inquirer file photo

Dahil sa kabiguang makapag-bigay serbisyo sa loob ng at pitong araw sa loob ng isang lingo ay pinatawan ng multa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Maynilad Water Service Inc.

Sinabi ni MWSS chief regulator Patrick Ty sa isang pahayag na inilabas kahapon na ang kabiguan ng Maynilad na tumupad sa round-the-clock service ay isang  paglabag sa obligasyon nito sa ilalim ng concession agreement.

Dagdag pa ni Ty, na rin ang MWSS Board of Trustees na bigyan ng rebate sa halagang P2,500 per water service connection ng Maynilad ang kanilang mga consumers sa mga identified areas na lubhang naapektuhan ng water service interruption.

Ikinatwiran naman ng Maynilad na hindi pa nila nakakatanggap ng impormasyon mula sa MWSS ukol dito.

Nauna dito ay pinatawan rin ng malaking multa ng MWSS ang Manila Waters Corp. dahil sa naranasang kakapusan sa suplay ng tubig sa Metro Manila East Zone kamakailan.

Read more...