Malakas na ulan walang epekto sa water level sa Angat Dam

inquirer photo

Hindi pa rin sapat ang nararanasang mga pag-ulan para madagdagan ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Sa pinakahuling datos ng PAGASA, bumaba pa ang water level sa nasabing dam na ngayon ay nasa 157.96 meters.

Mas mababa ito sa 158.02 meters na naitala Biyernes ng umaga.

Mula noong June 20 patuloy ang pagbulusok ng antas ng tubig sa dam dahilan para bawasan ang alokasyon sa dalawang water concessionaires na Manila Water at Maynilad Water Service na siyang nagsusuplay ng tubig sa mga residente sa Metro Manila.

Umaabot sa 95-percent ng water supply ng Metro Manila ay nagmumula sa Angat Dam.

Patuloy pa rin ang apela sa publiko ng PAGASA na magtipid sa paggamit ng tubig.

Read more...