9 patay sa pagbagsak ng floatplane sa Alaska

Chip-Porter-35B-Sept-2007-High-Res-TIFS-001
Mula sa website ng Promech Air

Siyam ang nasawi nang bumagsak ang isang “sightseeing plane” sa Southeast Alaska.

Sakay ng DeHavilland DHC-3T Otter na isang floatplane ang isang piloto at walong cruise ship passenger nang ito ay mag-crash sa bulubunduking bahagi ng Ketchikan.

Sa statement ng Promech Air na may ari ng nasabing eroplano, wala umanong nakaligtas sa insidente.

Hindi matukoy ang dahilan ng plane crash pero ayon sa nasabing kumpanya, nasa maayos na kondisyon ang eroplano.

Pawang mula sa MS Westerdam ang walong pasahero ng “sightseeing plane” na umalis ng Seattle noong Sabado para sa pitong araw na round-trip cruise.

Sumakay sila sa DHC-3T Otter para pasyalan ang Misty Fjords National Monument na tanging mga floatplanes lamang o bangka ang maaring magamit para marating ang lugar./ Den Macaranas

Read more...