Nakabawi sa satisfaction rating si Vice President Jejomar Binay sa ikalawang quarter ng taong 2015.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa noong June 5 hanggang 8, nagtala si Binay ng “good” net rating o +42.
Magugunitang mula sa mataas na +67 noong June 2014 ay bumaba ang rating ni Binay sa +35 noong March 2015.
Ang breakdown ng huling satisfaction rating ng bise president 64 percent ang nagsabing sila ay satisfied, 22 percent ang dissastisfied. Ito ay 11 percent na mas mataas sa +31 noong March.
Sa nakalipas na mga surveys ay pababa ang ratings ni Binay matapos itong masangkot sa mga isyu ng kurapsyon dahil sa umanoy mga iregular na proyekto sa Makati City noong siya ang alkalde pa lamang.
Samantala, pareho namang bumagsak ang satisfaction ratings ng mga lider ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso, habang tumaas ang rating ng pinuno ng Korte Suprema.
Nasa “moderate” +29 o 52 percent ang nagsabing sila ay kuntento sa trabaho ni Senate Pres. Franklin Drilon, anim na puntos na mababa sa “good” o +35 na rating nito noong Marso.
Bumaba naman sa “neutral” +9 o 37 percent ang satisfaction rating ni House Speaker Sonny Belmonte mula sa “moderate” +12 noong Marso.
Pero tumaas sa “moderate” +11 o 37 percent ang rating ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, mas mataas ng 1 point mula sa +10 noong Marso./ Len Montaño