Patay ang dalawang Indonesian pilots ng isang military jet fighter matapos itong bumagsak central Java. Ayon sa ulat, nagpi-perform ang military plane nang bigla na lamang itong bumulusok sa Yogyakarta.
Ilang minuto lamang ang nakalipas, binalot na ng maitim na usok ang military plane na T-50 Golden Eagle fighter plane.
Matatandaan na noong Hunyo lamang, bumagsak sa isang residential area ang isang Hercules C-130 sa Medan, Sumatra kung saan isandaan at apatnapu’t dalawa ang nasawi.
Ang T-50 Golden Eagle jet ay halos kahalintulad ng FA-50 fighter plane na binili ng Pilipinas sa South Korea kamakailan.
MOST READ
LATEST STORIES