Nasunog ang KP Tower sa Juan Luna Street corner Recto sa Divisoria dakong 1:45PM.
Umakyat sa ikalimang alarma ang sunog na sinasabing nagmula sa ikalawang palapag ng residential-commercial building.
Dahil dito, nag-alisan ang maraming mamimili sa Divisoria, habang bumigat ang daloy ng trapiko sa lugar.
Agad namang inilikas ang mga tenant ng buildings, sa tulong ng mga tauhan ng Philippine Red Cross at Bureau of Fire Protection paramedics.
Idineklarang fire-out ang sunog sa KP Tower pasado 3:14 ng hapon.
MOST READ
LATEST STORIES