Pasahero ng bus, inatake sa puso habang nasa biyahe sa Quezon

heart attackIsang lalaking pasahero ng bus na may biyaheng Manila ang namatay matapos atakihin sa puso sa bayan ng Sariaya, Quezon kaninang umaga.

Ang bus ng St. Rafael Transport Line na may plakang AWA 8944 na galing Albay ang nag-emergency stop sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Concepcion I ng Sariaya matapos bilang bumagsak ang isa nitong pasahero.

Ayon kay Chief Insp. Javier Baasis, ang public information office ng Quezon police, kinilala ang pasahero na si Eduardo Cardano Bragais, 54 taong gulang.

Ayon sa asawa ng biktima na si Redemia Bragais, idinaing ni Eduardo ang pananakit ng kanyang dibdib at hirap sa paghinga ilang minuto bago ito tuluyang mawalan ng malay.

Agad na itinakbo sa pinakamalapit na ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Paliwanag ni Dr. Steven Bigtas, ang naka-duty na doctor sa emergency room ng ospital, cardiac arrest ang ikinamatay ng biktima.

Nabatid na dati nang high blood at dumanas ng stroke ang biktima ayon sa kanyang asawa.

Read more...