‘Onyok’, huli na sa bagyong papasok sa Pilipinas sa taong ito

onyok dec 20Posibleng ang bagyong Onyok na ang huling bagyo na papasok sa bansa ngayong taong 2015.

Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, wala na silang namamataang sama ng panahon na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR.

Nabatid na pang labinglimang bagyo lamang si Onyok na pumasok sa bansa.

Samantala, aabot pa sa halos limang daang pasahero ang stranded ngayon sa iba’t ibang pantalan dahil sa bagyong Onyok.

Read more...