Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, uulanin pa rin ngayong araw (June 28)

Patuloy na makararanas ng moderate to heavy rainshowers na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang Metro Manila at Quezon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 7:35 ng gabi, iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Uulanin ang bahagi ng Quezon City, Caloocan at Marikina.

Apektado rin ng sama ng panahon ang San Mateo, Rodriguez at Antipolo sa Rizal; Naic at Tanza sa Cavite.

Asahan din ang pag-ulan sa Meycauayan, Marilao, Balagtas, Bocaue, San Jose Del Monte at Angat sa Bulacan.

Payo ng PAGASA, maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide sa mga mababang lugar.

Read more...