Umano’y banta ni Xi sa pagsasagawa ng oil exploration ng Pilipinas sa WPS, payong kaibigan lang – Palasyo

Payong kaibigan.

Ito ang naging pahayag ng Palasyo ng Malakanyang ukol sa umano’y bantang gulo ni Chinese President Xi Jinping sakaling magsagawa ng oil exploration ang Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi ito pagbabanta at nagiging praktikal lang si Xi sa naging payo.

Sinabi ni Panelo na sa tingin niya, hindi ito ang gustong mangyari ni Xi.

Nais lamang aniyang maiwasan ni Xi na magkaroon ng gulo sa pagitan ng Pilipinas at China.

“It’s not a warning. I think the Chinese President was being also practical. I don’t think he also wants that to happen; kaya nga he wants to avoid it also, which is the better way in dealing with problems or conflicts,” ani Panelo.

Dagdag pa nito, nakikipag-kaibigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nakaalitan noon ng Pilipinas para parehong makakuha ng benepisyo sa resources ng mga bansa.

Matatandaang sa oath-taking ni Senator-elect Christopher “Bong” Go, sinabi ni Duterte na ginawa ni Xi ang pagbabanta sa kanilang naging bilateral meeting.

Read more...