Ilang kalsada sa Maynila, isasara sa June 30

Isasara ang ilang kalsada sa Maynila sa araw ng Linggo, June 30.

Ito ay para bigyang-daan ang oath-taking ni Manila Mayor-elect Francisco “Isko” Moreno Domagoso.

Sa abiso ng Manila Police District (MPD) traffic enforcement unit, saradao mula 7:30 ng umaga ang mga sumusunod na kalsada:
– Westbound lane ng P. Burgos mula Finance Road hanggang Taft Avenue
– Northbound lane ng Taft Avenue mula Ayala Boulevard hanggang N.A Lopez

Nag-absio naman ang MPD sa mga motorista na sundin ang itinakdang traffic rerouting scheme.

Sa mga sasakyan mula sa Roxas Boulevard at Bonifacio Drive, dumaan sa eastbound lane ng P. Burgos at dumeretso sa Finance Road sa bahagi ng Taft Avenue patungong Ayala Boulevard para sa destinasyon.

Sa mga manggagaling sa northbound lane ng Ma. Orosa patungong P. Burgos, kumanan sa Finance Road patungo sa destinasyon.

Samantala, sa mga sasakyang galing northbound lane ng Taft Avenue papuntang Quiapo, maaring kumanan sa Ayala Boulevard patungo sa destinasyon.

At sa mga magmumula naman sa westbound lane ng Finance Road patungong Quiapo area, kumaliwa sa P. Burgos, kumanan sa Bonifacio Drive, kumanan muli sa A. Soriano at Magallanes Drive papunta sa destinasyon.

Read more...