Korean-Pop group na Twice dumating na sa Pilipinas

Dumating na ang Korean-Pop group na Twice sa Pilipinas, Biyernes ng umaga.

Kumalat sa social media ang mga larawan at video ng pagdating ng all-girl group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nanguna pa sa trending list ng Twitter ang pagdating ng Korean group.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakatakda kasing mag-perform ang grupo sa Mall of Asia Arena sa araw ng Sabado, June 29.

Ito ay bahagi ng kanilang 2019 “Twicelights” tour.

Ilan sa mga patok na debut single ng Twice ay “Like Ooh-Ahh,” “Cheer Up” at TT.”

Read more...