Magbabalik-Pilipinas ang British Singer-songwriter na si Sting ngayong darating na October bilang bahagi ng kanyang concert tour.
Kinumpirma ng Cherrytree Music Company, Live Nation, at ng Ovation Productions na ang Manila leg tour concert ni Sting na pinamagatang “Sting: My Songs” ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa October 2.
Sisimulan ang pagbebenta ng tickets sa July 3 na nagkakahalaga mula P2,640 hanggang P20,595.
Ilan sa mga mapapanood sa concert ay ang mga hit songs ni Sting na “Englishman In New York,” “Fields of Gold,” “Shape of My Heart,” “Every Breath You Take,” “Roxanne,” “Message In A Bottle,” at iba pa.
Magkakaroon naman ng pagkakataong makabili ng ticket ng mas maaga ang mga miyembro ng fans club ni Sting simula
July 1 hanggang 2 sa pamamagitan ng website ng singer.
Noong taong 2012 huling nag-concert sa Maynila si Sting na bahagi ng kanyang “Back to Bass” world tour.