Nangyari ang insidente pasado ala-1:00 ng madaling araw ng Biyernes, June 28.
Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Marilyn Pagar na isang Customer Service Representative, residente ng Kasipagan St. Tondo.
Maging ang tatlong taong gulang na anak na babae ng biktima ay tinamaan din ng bala.
Wala pang ibinibigay na kabuuang detalye ang Manila Police kung paano aksidenteng nabaril ng suspek ang mga biktima.
Nasa kostudiya na ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Police Corporal John Lester Pagar, 31 anyos na posibleng
maharap sa kaukulang asunto.
MOST READ
LATEST STORIES