Sa panayam kay Joseline Geronimo, ang tagapagsalita ng PNR, libreng makakasakay sa kanilang mga tren ang mga mag-aaral sa mga itinakdang oras.
Ito ay alas-singko ng umaga hanggang alas-sais ng umaga, kung kailan nasa apat ang tren na bumabyahe; at alas-tres ng hapon hanggang alas-kwatro ng hapon, kung kailan nasa lima ang tren na available.
Aminado si Geronimo na may epekto sa kita ng PNR ang libreng-sakay, pero hindi naman daw masasaktan ng husto ang kanilang railway system.
Subalit sana ay mas mahimok ang mga estudyante na sumakay sa PNR, kahit sa oras na hindi libre ang pamasahe.
Sa araw-araw na operasyon ng PNR, sinabi ni Geronimo na ilan sa pinaka-maraming bilang ng commuter nila ay mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines at University of Santo Tomas.
Kinumpirma naman ni Geronimo na sa Hulyo ay darating ang isa hanggang dalawang bagong tren.
Ito ay kabilang sa siyam na bagong train sets na inaasahang makukumpleto sa Disyembre.