Sa isang statement, inihayag ng World Bank na aprubado na ng kanilang board of executive directors ang pagpopondo sa 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program o conditional cash transfer program para sa 4.2 milyong pamilya.
Ang nasabing pondo ay gagamitin sa loob ng 2 taon na naglalayon ding labanan ang malnutrisyon sa mga kabataang Pilipino.
Saklaw ng pondo ang 9% ng 4Ps budget hanggang sa June 2022.
Sa pagtaya ang taunang pondo para sa programa ay umaabot sa $1.7 bilyong.
Kamakailan lang ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act no. 11310 na naglalayong i-institutionalizes ang 4Ps at magkaloob ng mas mataas na subsidies sa mga benepisyaryo ng programa.