Biyahe ng MRT-3 nagka-aberya

Ilang minutong naantala ang biyahe ng MRT-3 dahil sa problema sa signalling system.

Ayon sa DOTr-MRT-3, alas 8:46 ng umaga ng Biyernes, June 28, na-detect ang problema sa North Avenue station.

Agad nagpadala ng technical at operations personnel ay itinigil muna ang train traffic.

Naisaayos ang problema alas 9:17 ng umaga at naibalik din sa normal ang operasyon ng mga tren.

Hindi naman ito nagdulot ng pagpapababa sa mga pasahero.

Read more...