BREAKING: 2 miyembro ng NPA patay sa engkwentro sa Camarines Sur

Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) iniulat na nasawi sa nagpapatuloy na engkwentro sa pagitan ng militar at mga rebelde sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ayon sa inisyal na impormasyon, nagsasagawa ng combat operation sa Barangay Mampirao bayan ng Caramoan ang mga tauhan ng 83IB ng Philippine Army ng makasagupa ang mga rebelde.

Nakarecover na ang militar ang limang mataas na kalibre ng baril at dalawang bangkay ng NPA.

Wala pa namang napapaulat na nasugatan o nasawi sa panig ng tropa ng pamahalaan.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang sagupaan na nagsimula dakong 6:10 ng umaga.

Read more...