Paglalaan ng pondo para sa Build Build Build projects ng administrasyon tiniyak sa 18th Congress

Siniguro ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang pagsasaprayoridad ng 18th Congress sa paglalaan ng pondo para sa Build, Build, Build projects ng Duterte administration.

Sa isang private dinner ni Romualdez at Pangulong Duterte at dito ay binigyang katiyakan niya na ipaprayoridad ng Kamara ang pondo para sa flagship program ng gobyerno.

Naikwento nito sa Pangulo ang ginanap na multi-party caucus kung saan nangako ang mga kasamang kongresista na isasantabi ang mga isyu at usaping pulitikal at susuportahan ang mga legislative agenda ng Presidente hanggang sa huling termino nito.

Nakipag-usap na rin si Romualdez kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar para iparating ang commitment ng Kamara na pondohan ang mga proyekto ng pamahalaan.

Sa 75 proyekto ng Build, Build, Build Program, 28 dito ay “for completion” na bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022.

Ilan sa key infrastructure projects sa BBB Program ay 6 na paliparan, 9 na riles, 3 bus rapid transits, 32 roads at bridges network at 4 na pantalan na makakatulong para mapababa ang cost of production , mapataas ang kita ng mga kanayunan, tumaas ang investments, lumikha ng mas maraming trabaho at mas efficient na paghahatid ng mga produkto at serbisyo.

Read more...