Water level sa Angat Dam nasa 158.02 meters ngayong umaga

Muling nabawasan ang water level sa Angat Dam.

Ayon sa PAGASA Hydro-meteorological Division, ang water level ng Angat Dam ngayong ala-6:00 ng umaga ay nasa
158.02 meters mas mababa sa 158.15 meters na lebel nito kahapon ng umaga.

Nabawasan din ang water level ng Ipo, San Roque at Pantabangan Dams.

Samantala, bahagya namang nadagdagan ang water level ng La Mesa Dam.

Ang water level ng La Mesa Dam ngayong ala-6:00 ng umaga ay nasa 70.18 meters mas mataas kumpara sa 70.16 meters
na lebel nito kahapon ng umaga.

Bahagyang nadagdagan din ang water level ng Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya Dams.

Read more...