P6.5M na halaga ng shabu nakumpiska sa isang drug suspect sa Lanao Del Norte

Arestado ang isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Balo-i sa Lanao del Norte.

Kinilala ang suspek na si Jalil Akil Linog alyas Malik na nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Balo-i Municipal Police sa isang gasolinahan sa Brgy. West Poblacion Huwebes (June 27) ng hapon.

Ayon kay PDEA Region X Director Wilkins Villanueva, nakumpiska sa suspek ang 10 plastic na naglalaman mg shabu na may bigat na 1 kilo at P6.5 million ang halaga.

Nakuha din sa suspek ang P1,000 na buy-bust money, cellphone at motorsiklo.

Read more...