Ayon kay PAGASA Weather Specialist Ezra Bulquerin, huling namataan ang LPA sa 960 kilometers Silangang bahagi ng Eastern Samar alas-3:00 ng umaga ng Biyernes (July 28).
Nananatili naman ang posibilidad na maging bagyo ang LPA sa mga susunod na araw.
Samantala, southwest monsoon o Habagat pa rin ang nakakaapekto sa Western section ng Luzon at Visayas na magdadala ng mga pag-ulan.
Dahil sa epekto ng habagat ay patuloy na makakaranas ng maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa kabuuan ng Luzon lalo na sa bahagi ng Mimaropa, Zambales at Bataan na makakaranas ng mahina hanggang sa malalakas na mga pag-ulan.
Sa Visayas area naman makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog
dulot ng Habagat.
Sa May Caraga, Davao Region at Soccsksargen asahan na rin ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-
ulan,pagkidlat at pagkulog dahil sa through ng LPA.
Makakaranas naman ang nalalabing bahagi ng Mindanao ng magandang panahon, bahagyang maulap hanggang sa
maulap na kalangitan at may inaasahang isolated rainshowers pagdating ng hapon o gabi.
Wala namang nakataas na gale warning kaya’t malayang makakapaglayag ang mga mangingisda.