35 katao arestado sa SACLEO sa Pasay

Contributed photo

Timbog ang 35 katao sa isinagawang simultaneous anti-criminality and law enforcement operations (SACLEO) ng Pasay City police sa buong magdamag.

Ayon kay Pol. Col. Bernard Yang, 10 ang naaresto dahil sa droga, 17 ang naaresto sa paglabag sa city ordinances, lima dahil sa illegal gambling, isa dahil sa alarm and scandal at isa dahil sa pagnanakaw.

Lahat ng mga naaresto ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Station Investigation Dibision (SID) habang isinasampa ang kaso laban sa mga ito.

Hinikayat naman ni Yang ang mga residente ng Pasay na iula sa mga pulis ang lahat ng iligal na gawain at krimen sa kani-kanilang mga baranggay.

 

Read more...