Duterte sa House Speakership race: ‘Maglabo-labo na lang kayo’

Bong Go photo

Hahayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga kongresista ang magdesisyon para sa magiging susunod na Speaker ng Mababang Kapulungan.

Sa panayam ng media matapos ang oath-taking ni incoming Senator Bong Go, sinabi ng pangulo na hindi siya makikialam at magbibigay ng tiyak na endorsement para sa susunod na House Speaker.

Iginiit ng pangulo na hindi siya makakapagdesisyon kung sino ang susuportahan dahil ang mga naglalaban para sa pwesto ay kanyang mga kaibigan.

“Ang commitment ko talaga ayaw ko magsama ang loob sa akin… Semblance of a knowledge prior, but I never gave any concrete yes,” ayon kay Duterte.

“Ang suggestion ko ganito. ‘Yan lang naman puro tayo magkaibigan dito, huwag na lang tao mag-away. I will not help anybody. Maglabo-labo na lang kayo,” dagdag ng pangulo.

Ang mga naglalaban sa House Speaker ay sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Leyte Rep.Martin Romualdez, at Taguig Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Samantala, kinumpirma ng presidente na nagkaroon ng term-sharing deal sa pagitan nina Cayetano at Velasco.

Gayunman, sa last minute ay nag-back out umano si Velasco.

 

Read more...