Health worker patay sa pamamaril sa QC

Agad na binawian ng buhay ang isang health worker ng Brgy. Bagbag, Quezon City matapos pagbabarilin sa Brgy. Sauyo, Novaliches.

Kinilala ang nasawi na si Michael Pescayno, na ayon sa Criminal Investigation and Detection Unit, ay sumailalim sa drug rehabilitation program noong 2016.

Base sa kwento ng testigo, nakarinig siya ng isang malakas na putok ng baril at ng usisain niya ay nakita nito na nakabulagta na ang biktima.

Wala naman makapagsabi sa motibo ng pamamaslang sa biktima lalo na at sinasabi ng mga kasama nito sa trabaho na mabuti itong tao at walang kaaway.

Iniimbestigahan ng pulisya ang motibon sa pamamasalang at ang pagkakilanlan sa mga nasa likod ng krimen.

 

Read more...