Duterte hindi pa tinatanggap ang resignation ni Piñol

Hindi pa tinatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

Sa panayam sa media matapos ang oath-taking ni incoming Senator Bong Go, sinabi ng Pangulo na kailangan niya munang makausap si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) interim chief minister Al Haj Murad Ebrahim at iba pang mga opisyal.

Ayon sa Pangulo, kailangan niya si Piñol para maging timon sa Mindanao Development Authority.

Sinabi pa ng Pangulo na taga Mindanao si Piñol at batid nito ang kalakalan at problema doon.

Isang cabinet rank din naman anya ang pagiging pinuno ng Mindanao Development Authority.

Apela ng Pangulo kay Piñol, tulungan siyang madaliin ang pag-aayos sa BARMM pra maging maayos ang pamamahala ng gobyerno sa rehiyon.

Agad namang nilinaw ng Pangulo na buo pa rin ang kanyang tiwala kay Piñol.

Wala aniyang kinalaman sa isyu ng korupsyon, incompetence o kakulungan ng supply ng bigas ang dahilan ng pagtanggal kay Piñol sa Department of Agriculture.

 

Read more...