1 patay, 2 sugatan sa aksidente sa Talisay, Cebu

Credit: Talisay City Traffic Police Office

Patay ang isang rider ng motorsiklo habang sugatan ang isa pang rider at angkas nito matapos magbanggaan sa South Coastal Road sa Talisay City, Cebu Huwebes ng hapon.

Ayon kay Patrolman Kim Amolo, Talisay City Traffic Police Investigator, nagsalpukan ang dalawang motorsiklo na nasa parehong lane sa Barangay Cansojong pasado alas 5:00 ng hapon.

Nasawi si Simplicio Pogoy, 51 anyos habang sugatan sina PJ Basanta at Reynaldo Basanta.

Iniimbestigahan kung sino ang bumangga kanino dahil magkakaiba rin ang kwento ng mga nakasaksi sa aksidente.

Nagtamo ang mga Basanta ng multiple injuries sa kanilang mga katawan at nagpapagaling sa ospital.

Naka-impound naman sa Talisay City Traffic Office ang dalawang motorsiklo na sangkot sa aksidente.

 

Read more...