118 pasahero ng bangkang lumubog sa Sulawesi, hinahanap pa

indonesiaAabot sa isandaan at labingwalong pasahero ang pinaghahanap ng search and rescue team matapos lumubog ang isang bangka sa Sulawesi sa Indonesia.

Ayon kay Transport Ministry spokesman J.A Barata, kabilang sa mga sakay ang labing siyam na bata at sampung crew.

Galing ang bangka sa Kolaka sa Southeast ng Sulawesi.

Nabatid na malalaking alon at malakas na hangin ang sanhi ng paglubog ng bangka.

Read more...